Sa Aking Pagtatapos Essay

Free essays on talumpati tungkol sa pagtatapos ng highschool for students use our papers to help you with yours 1 - 30. Sa paaralan upang kami ay maturuan salamat sa ang aking pagtatapos pagkilala sa panauhing free essays on talumpati tungkol sa pagtatapos ng. Interesado ka bang malaman ang aking pinagdaanan sa aking personal na karanasan noong elementarya’t hayskul ang aming pagtatapos. Essays - largest database of quality sample essays and research papers on essay tungkol sa aking pangarap. Richard stockton college admissions essay, sa aking pagtatapos essay, filipino essay writer, essays about influence created date: 12/29/2017 12:18:22 am. Pangalawa, ako’y nagpapasalamat sa aking mga naging pangalawang magulang- ang aking mga guro kayo ang nagsilbing instrumento ng ating panginoon upang ako’y.

Pumapasok sa paaralan upang kami ay maturuan salamat sa ang aking pagtatapos sa panauhing free essays on talumpati tungkol sa pagtatapos ng. Sa aking pagtatapos essay - ut oriente región 5 privatednscom talumpati sa pagtatapos – edericnet 13 abr 2013 pinaikling bersyon ng 1 abr 2010 tandang. Free essays on talumpati ng pasasalamat sa pagtatapos nghayskul for students use our papers to help you with yours 1 - 30.

Talumpati sa pagtatapos – edericnetdelivering my commencement speech at ipil national high school on march 18, 2013 pinaikling bersyon ng talumpating binigkas sa. Ang pagtatapos anna lorena aragon sa mga panauhing pandangal, sa ating punong guro, sa mga guro at aking kapwa mag-aaral, isang, magandang umaga sa inyong lahat.

  • Read story ang aking pangarap by pursuingdreamsss (vincent paras (louis)) with 17,253 readsmarami akong pangarap sa buhay, isa na dito ang maging doktor sa t.
  • Mahal kong, nanay at tatay, bawat araw sa aking buhay, tinulungan ninyo ako at ibinigay ninyo sa akin ang aking mga gusto karamihan sa mga hiningi ko, binigay ninyo.
  • This speech was delivered by a la sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the up college of engineering ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos.

Ang aking pagtatapos by: jovelyn a ebio sa ating kagalang-galang na mga guro, sa ating mga magulang, sa mga bisita na nandito ngayon, sa aking kapwa magtatapos. Sa aming pagtatapos dang lee loading salamat sa iyo aking guro -original song by maria romelda cruz - duration: sa kabila ng lahat. Sa aming pagtatapos sa ika anim na baitang, the end of our grade school, , , translation, human translation, automatic translation.

N.B. – This will be published in the April 2-8, 2010 issue of Pinoy Weekly. Please read the first part to fully understand the message of this article.

(Huli sa dalawang bahagi)

Magkahalong kasiyahan at pag-aalala. Hindi alam kung maiiyak o matutuwa. May matinding kabang hindi mawari kung paano nagsimula. Normal sa isang estudyanteng magtatapos ang magkaroon ng iba’t ibang pakiramdam.

Tandang-tanda ko pa ang pagtatapos ko ng elementarya’t hayskul noong 1982 at 1986. Pakiramdam ko’y nakamit ko na ang rurok ng tagumpay at wala na akong kailangang patunayan pa. Kahit na pangatlo lang ako sa may pinakamataas na grado noong elementarya, nakabawi naman ako noong hayskul nang magtapos akong balediktoryan. Abot-tainga ang aking ngiti dahil sa personal na tagumpay na natamo.

Opo, sadyang makasarili ako noon. Makalipas ang mahigit dalawang dekada, mainam sigurong punahin ko na ang aking sobrang kayabangan. Dahil nasilaw ako sa kinang ng mga medalyang isinabit sa aking leeg, akala ko’y napakatalino ko’t madali na ang pagharap sa mga hamon ng buhay. Simple lang ang aking ambisyon noong nagtapos na ako ng hayskul – makakuha ng diploma sa kolehiyo, magkaroon ng magandang trabaho at magkamal ng maraming pera. Sa konteksto ng pagpapayaman, mababaw at likas na makamundo ang aking mga plano –mangolekta ng kotse’t motorsiklo, magpatayo ng maraming bahay, bumili ng eroplano’t yate at kumain sa mamahaling restoran.

Para sa akin, ang diploma ay simpleng tuntungan lang para sa magandang buhay at ang tanging mahalaga lang sa pag-aaral ay makakuha ng matataas na grado. Kailangang maagang makilala ng mga guro, sundin lahat ng mga utos at parating maging magiliw sa kanila. Hindi na baleng walang masyadong matutuhan basta’t parating matataas ang marka.

Dahil nag-aral ako sa isang pribado’t Katolikong paaralan sa Caloocan City noong elementarya’t hayskul (bagama’t mas mababa ang binayarang matrikula dahil sa aking matataas na marka), hindi ko ramdam ang hirap na pinagdaraanan ng marami pang estudyanteng pumapasok noon sa mga pampublikong paaralan. Kung tutuusin, may negatibong konotasyon pa nga ang salitang public school para sa akin. Kapag gusto kasi kaming sawayin ng ilang guro namin, ito ang madalas nilang sabihin, “Tumigil na nga kayo. Para kayong taga-public school!” Naikintal sa aking murang kaisipang masama ang ugali ng isang nag-aaral sa pampublikong paaralan.

Palibhasa’y mahirap kaya hindi sibilisado. Iba sila, iba ako.

Kahit na medyo namulat ako sa realidad ng ating lipunan nang patayin si dating Senador Benigno Aquino noong Agosto 21, 1983 (o noong Second Year High School ako), hindi pa rin naging malalim ang aking pagsusuri sa pambansang sitwasyon. Sa pangkalahatan, makasarili pa rin ang aking ambisyon, at ang tanging interes na itinataguyod ko noon ay akin lamang. Naging tagapangulo man ako ng konseho ng mga estudyante (student council) noong hayskul, ang paggampan ng aking tungkulin ay nasa konteksto lang ng pagpapatupad ng mga taunang aktibidad tulad ng student fair at sportsfest.

Unti-unting nagbago ang aking perspektiba nang maganap ang EDSA 1 noong Pebrero 1986, o ilang buwan bago ang aking pagtatapos sa hayskul. Kahit na hindi pa naaalis ang makasariling ambisyon, ginamit ko ang aking posisyon bilang lider-estudyante para manawagan sa lahat ng kaklase’t kaibigan na suportahan ang kilusan laban sa pananatili ng mga Marcos. Kasama akong nagbunyi nang mailuklok ang bagong administrasyon sa ilalim ni Corazon Cojuangco-Aquino na nabiyuda noong 1983.

Masasabing naging madamdamin at medyo pulitikal ang naging valedictory speech ko noong aming pagtatapos sa hayskul, isang okasyong nagwakas sa sama-samang pagkanta ng “Bayan Ko.” Hindi ko na matandaan kung may naglakas-loob na magtaas-kamao noong panahong iyon, pero alam na alam kong hindi ko ginawa iyon. Medyo nagbago man ang aking perspektiba, nananatili pa ring mababaw ang pananaw ko sa buhay noon.

Sa kabila ng makasaysayang EDSA 1, tiningnan ko pa ring personal na tagumpay ang aking pagtatapos at wala akong konsepto ng patuloy na pagkilos para sa mas makabuluhang pagbabago.

Sadyang abot hanggang langit ang aking kayabangan. Naibalik ako sa lupa nang pumasok ako sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), isang pampublikong paaralan, para magkolehiyo. Nalaman kong mali ang aking pag-iisip sa katangian ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Walang batayan para isiping hindi sibilisado ang mga nag-aaral sa pampublikong paaralan. Kung tutuusin, maraming mga produkto nitong mas matalino pa sa iba.

Dahil sa aking makasariling pananaw, akala ko noo’y mas maraming estudyanteng katulad kong nag-aaral sa mga pribadong paaralan. Hindi pala totoo ito dahil hindi hamak na mas maraming pampublikong paaralan kaysa pribado. At dahil sa kahirapang kinakaharap ng maraming mamamayan, maraming magulang na nagiging praktikal at pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mga pampublikong paaralan. Unang una, mas mura ang matrikula sa mga ito.

Ang kahirapan ay isang malungkot na realidad sa kasalukuyan, kaya nga mahigit siyam sa bawat sampung estudyante ng elementarya ay nasa pampublikong paaralan; samantalang sa hayskul ay mayroong walo sa bawat sampung estudyante. (Tingnan ang Talahanayan 1)

Talahanayan 1
Pagpapatala ng mga estudyante sa elementarya’t hayskul
(Taong 2008-2009)
ElementaryaPorsiyento ng mga nagpatalaHayskulPorsiyento ng mga nagpatala
Pampublikong paaralan12,574,50691.9%5,421,56280.2%
Pribadong paaralan1,112,1378.1%1,342,29619.8%
Kabuuan13,686,643100.0%6,763,858100.0%
Pinaghalawan: National Statistical Coordination Board (NSCB)

Dati’y wala akong pakialam sa gastusin ng pamahalaan sa batayang edukasyon, dahil akala ko’y hindi ako apektado nito. Pero sa aking pananatili sa UP, nalaman kong papaliit nang papaliit ang badyet ng pamahalaan sa edukasyon, lalo na sa elementarya’t hayskul.

Ang realidad noon ay nagpapatuloy pa rin ngayon. Sa unang tingin, kapansin-pansin ang pagtaas sa taunang badyet para sa edukasyon. Pero kung iuugnay ito sa pagtaas ng presyo ng bilihin, mapapansin ang pagbaba ng tunay na halaga ng alokasyon ng pamahalaan. Halimbawa, ang taunang badyet para sa elementarya’t hayskul ay P103.1 bilyon noong 2002 at tumaas ito sa P118.0 noong 2006. Kung ikokompyut ang tunay na halaga ng mga ito, malalamang ang alokasyon ay P93.8 bilyon noong 2002 at P85.6 bilyon noong 2006. (Tingnan ang Talahanayan 2)

Talahanayan 2
Badyet ng pamahalaan para sa elementarya’t hayskul
2002-2006 (sa libong piso)
TaonTaunang badyet a/Tunay na halaga ng piso b/Tunay na halaga ng taunang badyetTantos ng pagtaas o pagbaba
2002103,134,1280.9193,758,298
2003106,708,8730.8893,768,7810.0%
2004105,295,0320.8387,309,313(6.9%)
2005110,995,4280.7785,512,656(2.1%)
2006118,038,0470.7385,596,8430.1%
Komputasyon ng awtor batay sa mga datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB) at National Statistics Office (NSO)
a/ Aktuwal na badyet mula 2002 hanggang 2005; planong badyet para sa 2006
b/ Batay sa average Consumer Price Index (CPI, 2000=100) ng partikular na taon.

Marami pang empirikal na datos na magpapakita ng aktuwal na karanasan ng maraming tao. Sa pamamagitan ng mga estadistika, nalaman kong ang personal na pinagdaraanan ay maaaring kakaiba sa kalagayan ng karamihan.

Medyo natagalan man ang pagkamulat sa katotohanan, mainam na ring nalaman ko ang kamalian ng aking makasariling gawi. Sana’y isaisip ito ng mga magtatapos ngayong taon sa elementarya’t hayskul: Maraming nangyayari sa Pilipinas ngayon at kinakailangan ang mahigpit na pagkakaisa ng lahat para mangyari ang kinakailangang pagbabago.

Walang lugar para sa personal na interes dahil mas kinakailangang pagtuunan ng pansin ang kabutihan ng nakararami. Totoo mang maraming oportunidad na ibibigay sa mga taong nakapagtapos ng pormal na edukasyon (lalo na sa antas ng kolehiyo), hindi pa rin dapat kalimutan ng kabataan ang kahalagahan ng pagsisilbi sa bayan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Like this:

LikeLoading...

Related

commencementelementarygraduationhigh school

Leave a Comment

(0 Comments)

Your email address will not be published. Required fields are marked *